Notbuk ni Eloiski


Lucky number nga ba ang Otso?

Oo alam ko dapat ata Lucky 9 iyon.  Eh bakit ba?  Lucky 8 nga feel ko eh.  Kasi ako nataga na naman eh kaya heto.

Tag na naman ito eh.  At ayoko namang biguin si Neex kaya sige sinagutan ko na.  Matagal na ito kaya sorry nemen ngayon ko lang naisipang gawin.  Ngayon lang ginanahan.  Ngayon lang naisipang magsalitype.

Eight things I’m looking forward to:

  1. Eleksyon. Heksayted na akong magvote.  Perstaym ko eh.
  2. Makabili ng album ng Pupil. Aylabyuelybuendia!
  3. Makikipagbunuan sa mga nakakakuryenteng subjects.
  4. Trip to Vigan kasama mga dabarkads. Wahoo! Photoshoot! Waaaah!
  5. Mapanood ang Angels and Demons sa sinehan. Sawa na ako manood ng piratang dvd eh.
  6. Maumpisahan ko ng gawin ang handmade planner. May mga materials na ako kaso si katam sinapul ako.
  7. Makapagpost na ng madalas. Naaawa ako sa blog kong ‘to.  Parang ibinandonang bata!
  8. Makumpleto ang album ng Eraserheads. Hindi naman ako adik eh!

Eight things I did yesterday:

  1. Nagising.
  2. Binuksan ang mga mata.
  3. Bumangon sa kama
  4. Pumunta sa comfort room at alam mo na.
  5. Nanood ng kartowns sa tibi.
  6. Nag-internet.  Pwede bang mawala iyon?
  7. Kumain. Tapos kumain ulit.  Tapos tapos kumain ulit.  Tapos tapos tapos kumain na naman.  Tapos kain na naman.
  8. Nakipagtitigan sa monitor.

Eight things I wish I could do.

  1. Magteleport.
  2. Magkagebushinteknik times two times two!
  3. Makapagplay ng violin sa Pransya.
  4. Makagawa ng calculator na halos lahat ng Math problems eh nasosolve niya.
  5. Makagawa ng solar na mobile phone para hindi na ako magcharge.
  6. Makaimbento ng miracle o magic rice.  Yaong kahit isang butil lang ng bigas ang ilagay mo sa kaldero eh pag naluto na eh puno ang kaldero.  Nagets mo?  Ay nebermaynd na lang!
  7. Makagawa ng sariling kotse para naman may sariling brand ang Pilipinas.  Kung ang India may Tata Motors at nabili niya pa ang Jaguar(dahil yan sa recession).  Yaong iba may Kia.  May Honda.  May Mitsubishi.  Eh tayong Pinoy walang ganyan.. Kaya sana matuto ako gumawa ng kotse.
  8. Makasolve ng isang mystery case.

Eight shows I watch:

Hindi na ako nanonood ng tibi kasi naman puro na lang Hayden Khomera at Katrina Hawiwi ang palabas.  Nakakasawa.  Kaya dito na lang sa net nanonood o di kaya nama’y nagababasa ng news.

Wala akong gustong tagain.  Kung feel mo eh di go!  Kung ayaw mo, pake ko!  Hakhak!


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

- Hindi ka boboto sa eleksyon? Ako rin e, mag-rebolusyon na lang ta’yo.

- Panget yung Angels & Demons film, madaming hindi sinunod sa original book ang mga nararapat na eksena.

- Solar na Mobile Phone? Ano yan dapat tapat ka sa araw kapag ginagamit mo. ‘Di kaya maging tutong balat mo nun. Hehehe.

Comment ni Otakore Literantadodist

@Otakore Literantadodist
-boboto ako sa elesyon ano ba! heksayted na nga ako eh!
-ganun? hmmm… pero gusto ko pa ring panoorin kasi nga nabasa ko yung book eh! para mas lalo naman ako madismaya. para naman mafeel ko yung nafeel mo pagkatapos mo panooring ang movie! hakhak!
-weh! di naman kelangan babad sa araw ah, yung parang solar claculator yung konsepto!

Comment ni eloiski

- “excited” pala yung heksayted ang pagkabasa kasi ng malabo ko’ng mata “hesitated”. HAHAHA.

Comment ni Otakore Literantadodist

@Otakore
hakhak! kaya pala! nagtaka tuloy ako! okey lang yan! malabo rin mata ko! apir!

Comment ni eloiski

nakakatuwa ang mga sinagot mo rito sa tag na ito..

wow..ang ganda sa Vigan!
kagibunshin times 2 times 2..hahaha

Comment ni sandi

@
kuya sandi

hakhak! naeexcite na nga akopunta ng vigan kaso hindi pa lam nila mama at papa ko. di pa ako nagpapaalam. di ko alam kung paano! awooo!

Comment ni eloiski

napaka interesting naman ng ginawa mo kahapon..hehe

Trip to Vigan – uwian mo naman ako ng bagnet saka empanada..miss ko na trip sa vigan

Angels and Demons – maganda pero mas ok pa rin libro..hehe

salamat sa pagdalaw. :p

Comment ni flamindevil

@flamindevil

interesting? ang monotonous nga eh! hahaha!

o sya sige! hakhak! may ganun?!

weh? napanood mo na? wow naman!

wala yun!

Comment ni eloiski

ako din!! gus2 ko din bumoto sa eleksyon!! E kaso nandito ako, nandyan naman ung mga iboboto. Hay. Sino sino ba mga tatakbo? Lahat naman kasi ata nagsisitakbuhan na. Sows! :P

At Eloiski, hindi mo parin talaga ako binigo sa mga gus2 mong gawin. Aym so prawd op yu! Ang lalim ng mga gus2 mong gawin. Sige, suportahan kta sa kotse mo. ano bang tatak nyan? wag mong sabihin na Sarao? Ahehehe.

Sa tanong mo. Oo, hindi lang si nueve ang swerte. Si Otso din. =)

Comment ni Alea

@Alea

Hakhak! Sayang naman at hindi ka man lang makakavote! Ewan ko nga eh. Hindi pa nafafinalize.

Hakhak! Ang lalim ba? parang ewan lang nga eh!

hakhak! hindi sarao ah! jeep yun eh!

nag-iisip nga ako ng magandang brand.. yung tatak sa utak ng tao!

wee! buti naman! kaya tayo nagkakasundo! awooo!

Comment ni eloiski

Paheras taying gusto makapunta ng Vigan at makapagphotoshoot! Apir! Wacococoke!

P.S. Hmm ano kayang magandang pangalan ng brand ng kotse ng pinoy? naintriga ako dun ah.

Howan?
Delacross?

XD Ahaha nebermaynd na din lang.

Comment ni Coffeesabaw

@Coffeesabaw

Nakapunta na ako sa Vigan kaso hindi ako masyado nag-enjoy noon. Wala kasi akong camera. Hakhak! Ang babaw. pero ah basta hindi ko naenjoy eh!

Howan Delacross? Ayus yun ah!

o sya nebermayd din! awooo!

Comment ni eloiski

hehe…nakakaaliw naman yung mga sagot mo. :)

ok lang naman siguro kung walang kotse na gawa ang pinas, meron namang tayong Sarao Motors eh yaong mga dyip diba?

ako rin gustu ko ng mobile phone solar kasi tamad din ako mag-charge. Buti ka pa makakarating na ng Vigan, ako kahit panaginip indi pa narating yun eh :lol:

Comment ni Aling Baby

@Aling Baby

Hakhak! Hindi eh! Minsan kelangan din ng tsikot. teka kasi hmmm.. hindi ko maexplain eh. Minsan kasi tila nahuhuli na tayo sa takbo ng buhay. yang japan at korea kasabay lang naman natin sila pero tignan mo ngayon ang asenso na nila. Basta hindi ko maexplain aling baby! Ang labo ko ba? Hakhak!

Apir tayo dyan! Balang-araw talaga eh gagawa ako nyan! swear!

Uwi ka ng Pinas tapos punta tayo! Sagot mo lahat! hakhak! may ganun!

Comment ni eloiski

weee weee weee!

panalo yang 8 wishes mo!

sali ka na dun sa libre lang mangarap,
yang 8 na yan ang pngarapin mong gawin.
hakhak!

XD

Comment ni batopik

@Batopik
Weee! Di nga? Okay na kaya yang 8 wishes na yan!

Tama! Yan na lang nga ata! Palawakin ko na lang!

Apir!

Comment ni eloiski




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>