Notbuk ni Eloiski


Ang Kumplikado! Ang Labo!

Minsan tinanong niya ako “Kumusta ka naman?”. Pasimple ko siyang sinagot na “Hindi kasi makalipad ang ibon na iyon kaya kinakailangan niya ng kamera na de susi para sa ikaliligaya ng mundo.”. Nanahimik lang siya. Siguro nga hindi sapat ang toyo na nilagay ko sa buhangin kaya ganoon na lamang siya kung gumewang-gewang. At maya-maya pa’y sinigawan niya ako, “ANG LABO MO! DI KITA MAINTINDIHAN” sabay walk-out iniwan akong nakasampay at basang-basa.

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon. Ganoon na lamang ba kalalim ang balon kung bakit pilit na tumataas ang bilihin sa Tindahan ni Aling Cora. Ang alam ko, wala naman akong tinimplang kape eh. Bigla na lang kasi akong napabili ng unan saka inihalo sa niluluto kong lechon de lecheng bata. Minsan nga pilit kong iniisip bakit may sex scandal eh lagi namang unang sinusuot nila Batman at Superman ang pantalon kaysa sa brief.

Simple lang naman eh. Gusto ko lang na may makaintindi sa akin. Na sana balang araw eh may tumalon na dinosaur sa kinakain ko at saka ko ipapalapa sa lagareng pilit na kumakawala kay Darna. Wala namang akong makitang dahilan kung bakit kelangan ang green na blackboard samantalang may payong naman para samahan ka.

Nakukuha niyo ba ang gusto kong sabihin. Simple lang naman eh. Pangarap ko lang naman na may makaintindi sa akin. Kaya kung ako sa’yo magsibak ka na para matapos na ang sense ng mundo. Huwag mo nang hintayin na luluhod ang mga tala at saka ka lalamunin ng giant kaserola para manalo sa lotto.

Nagegets mo ba ako? Sana naman oo dahil kung hindi lilitaw si Sadako para makipagpyesta sa Valentines Day at hihilain ka niya para mag-internet.

***Ito po ang aking entry sa Libre Lang Mangarap ni Kuya Otep. Pasensya naman. Sana maintindihan niyo ako. Iyon lang naman pangarap ko eh na may makaintindi sa akin. Happy 3rd anniversary nga pala sa blog ni Kuya Otep! Yahoo!



Pare ko, Sa Wakas naOverdrive ako ng Ligaya sa Alapaap

February 8, 2009

Ngayon ko lang talaga ito nafeel, literally. Iyong maadik talaga. Todo! Hindi naman ako dating ganito eh. Pero alam mo ba, kapag kasama kita, hindi ako tinatamad, literally ulit. Kahit gabing-gabi na tapos kelangang irush yaong DOT o kaya IFR para sa aking Physics lab, okay lang sa akin. Eh kasi kasama kita eh.

Para bang immune na ang katawan ko na mapuyat. Hinahanap-hanap pa nga ng sistema ko eh. Kasi alam ng sistema ko na magsasama na naman tayo. Iba nga ata talaga ang tama ko sa’yo.

Malamang tama nga sila. Adik na nga ako sa’yo. Iba kasi ang epekto mo sa buhay ko. Para kang vitamins na nagpapagana sa isang batang matamlay at ayaw kumain. Isa kang dakilang savior ko lalo na kung puyatan ang pinag-uusapan.

At dahil nga kasama kita lalo na kapag gabi, hindi ko na minsan ramdam ang oras. Hindi ko pansin na huwaw alas dose na. Okay lang kasama naman kita. Marinig ko lang ang birit mo, kumpletong-kumpleto na ang gabi ko. Grabe ka kasi. Nakakaadik ka.

Ang lakas ng tama ko sayo!

Adik ako sayo!

Mahal na mahal kita ERASERHEADS.

Musikang mula sa’yo ang pampagana ko sa puyatan days ko.

Mga dude! Kinopya ko lang ito sa isa ko pong blog. At opo noong February 8, 2009 ko po ito pinost sa aking i.ph. Hakhak! Gusto ko sana gumawa ng tula para sa Eraserheads kaso huwag muna. Ang mga ganyang bagay ay pinag-iisipan ng bonggang-bongga!

At dahil nga adik ako sa Eheads ay halos mawasak ang wallet ko sa kakabili ng album nila. Syempre yaong nakacd na. Wala na yaong mga tapes eh. Sa ngayon eh hindi ko pa rin kumpleto. Wala pa akong Cutterpillow pero nag-order na ako. Wala pa akong Carbon Stereoxide pero bibilhan ko rin yan. Wala pa akong Aloha Milkyway. Wala pa akong Bananatype. Wala pa akong Anthology 1. Ang hirap hanapin mga EPs at Demo nila eh.

Noong una suko na ako. Download to the max na lang ako kasi naman wala akong mahanap na cd nila. Pero oh holy kamote, pumunta ako ng National Bookstore (hindi ko alam kung kelan iyon) at akalain mong bumulagta sa aking mga mata ang mga album ng Eraserheads. Halos mapawaaaaaaaaaaaaaah! talaga ako. Nagulat pa nga pinsan ko sa akin. Pero waaaaah! Ano ba ang tagal kong naghanap tapos sa National Bookstore ko nakita? At hayun binisita ko ang Oddysey at Astroplus. Lalo na naman akong napawaaaaaaah! Eh ang dami dami dami nilang album! Napabili ako ng dalawang album sa isang araw. Tapos kinabukasan eh binili ko naman ang dvd ng reunion concert nila. Hindi ko napigilan sarili ko. Masyado akong natuwa. Hakhak! Adik nga sigurong talaga! Natamaan!

Kaya heto. Isheshare ko lang sa inyo ang koleksyon ko ng Eraserheads album. Idownload mo kung feel mo. Kung ayaw mo.. bumili ka na lang.. yaong orig ha. Hakhak!

ALOHA MILKYWAY

aloha-milkyway


CUTTERPILLOW

cutterpillow


NATIN99

natin-99


STICKER HAPPY

6a00c2251d578f604a00c2252106b8f219-500pi


FRUITCAKE

fruitcake96


CIRCUS

eraserheads-circus-1994-album


ULTRAELECTROMAGNETICPOP

ultraelectromagneticpop1


CARBON STEREOXIDE

carbon-stereoxide

MGA DUDE PUNTAHAN NIYO NA LANG PO YAONG DOWNLOAD SA NAVIGATION SA TAAS AT MADODOWLOAD NIYO NA PO NG BONGGANG-BONGGA ANG LAHAT NG MGA KANTA NILA. APIR!

ERASERHEADS WILL NEVER BE ERASED IN OUR HEADS! YEAH!