Notbuk ni Eloiski


Pare ko, Sa Wakas naOverdrive ako ng Ligaya sa Alapaap

February 8, 2009

Ngayon ko lang talaga ito nafeel, literally. Iyong maadik talaga. Todo! Hindi naman ako dating ganito eh. Pero alam mo ba, kapag kasama kita, hindi ako tinatamad, literally ulit. Kahit gabing-gabi na tapos kelangang irush yaong DOT o kaya IFR para sa aking Physics lab, okay lang sa akin. Eh kasi kasama kita eh.

Para bang immune na ang katawan ko na mapuyat. Hinahanap-hanap pa nga ng sistema ko eh. Kasi alam ng sistema ko na magsasama na naman tayo. Iba nga ata talaga ang tama ko sa’yo.

Malamang tama nga sila. Adik na nga ako sa’yo. Iba kasi ang epekto mo sa buhay ko. Para kang vitamins na nagpapagana sa isang batang matamlay at ayaw kumain. Isa kang dakilang savior ko lalo na kung puyatan ang pinag-uusapan.

At dahil nga kasama kita lalo na kapag gabi, hindi ko na minsan ramdam ang oras. Hindi ko pansin na huwaw alas dose na. Okay lang kasama naman kita. Marinig ko lang ang birit mo, kumpletong-kumpleto na ang gabi ko. Grabe ka kasi. Nakakaadik ka.

Ang lakas ng tama ko sayo!

Adik ako sayo!

Mahal na mahal kita ERASERHEADS.

Musikang mula sa’yo ang pampagana ko sa puyatan days ko.

Mga dude! Kinopya ko lang ito sa isa ko pong blog. At opo noong February 8, 2009 ko po ito pinost sa aking i.ph. Hakhak! Gusto ko sana gumawa ng tula para sa Eraserheads kaso huwag muna. Ang mga ganyang bagay ay pinag-iisipan ng bonggang-bongga!

At dahil nga adik ako sa Eheads ay halos mawasak ang wallet ko sa kakabili ng album nila. Syempre yaong nakacd na. Wala na yaong mga tapes eh. Sa ngayon eh hindi ko pa rin kumpleto. Wala pa akong Cutterpillow pero nag-order na ako. Wala pa akong Carbon Stereoxide pero bibilhan ko rin yan. Wala pa akong Aloha Milkyway. Wala pa akong Bananatype. Wala pa akong Anthology 1. Ang hirap hanapin mga EPs at Demo nila eh.

Noong una suko na ako. Download to the max na lang ako kasi naman wala akong mahanap na cd nila. Pero oh holy kamote, pumunta ako ng National Bookstore (hindi ko alam kung kelan iyon) at akalain mong bumulagta sa aking mga mata ang mga album ng Eraserheads. Halos mapawaaaaaaaaaaaaaah! talaga ako. Nagulat pa nga pinsan ko sa akin. Pero waaaaah! Ano ba ang tagal kong naghanap tapos sa National Bookstore ko nakita? At hayun binisita ko ang Oddysey at Astroplus. Lalo na naman akong napawaaaaaaah! Eh ang dami dami dami nilang album! Napabili ako ng dalawang album sa isang araw. Tapos kinabukasan eh binili ko naman ang dvd ng reunion concert nila. Hindi ko napigilan sarili ko. Masyado akong natuwa. Hakhak! Adik nga sigurong talaga! Natamaan!

Kaya heto. Isheshare ko lang sa inyo ang koleksyon ko ng Eraserheads album. Idownload mo kung feel mo. Kung ayaw mo.. bumili ka na lang.. yaong orig ha. Hakhak!

ALOHA MILKYWAY

aloha-milkyway


CUTTERPILLOW

cutterpillow


NATIN99

natin-99


STICKER HAPPY

6a00c2251d578f604a00c2252106b8f219-500pi


FRUITCAKE

fruitcake96


CIRCUS

eraserheads-circus-1994-album


ULTRAELECTROMAGNETICPOP

ultraelectromagneticpop1


CARBON STEREOXIDE

carbon-stereoxide

MGA DUDE PUNTAHAN NIYO NA LANG PO YAONG DOWNLOAD SA NAVIGATION SA TAAS AT MADODOWLOAD NIYO NA PO NG BONGGANG-BONGGA ANG LAHAT NG MGA KANTA NILA. APIR!

ERASERHEADS WILL NEVER BE ERASED IN OUR HEADS! YEAH!


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

hi eloiski!

hmmm sana wag kang magalit kung sabihin ko na mas pabor ako sa rivermaya noon ( nandoon pa sina bamboo at rico) over sa eheads. but i do respect and like their music.

my favorites are tindahan ni aleng nena, magasin, huling el bimbo, ligaya, at yung isa na hindi ko alam yung eksaktong title. yung linya e “halika’t tikman ang langit”. ginamit yan sa commercial noon ng burger machine and si franco laurel ang model.

mabuhay ang e-heads for revolutionizing OPM!

Comment ni hitokirihoshi

@hitokirihoshi

hakhak! okey lang yon! kanya kanya naman tayo ng idolo eh. okay din naman musika ng rivermaya pero iba kasi talaga tama ng eheads eh!

ayos! ilan din iyan sa mga paborito ko eh! apir!
ay title nun “TIKMAN”.. hindi ko naabutan yang mga commercial na yan.. kung naabutan ko man hindi pa ako aware sa mundo…

mabuhay!

Comment ni eloiski

2nd year hanggang 3rd year high school ako ng nagkausuhan sa section namin ung mga kanta ng ehead at parokya sa section namin. wala. may banda kasi ung mga boys sa amin. kumakanta din sila sa ilang bar at may pondo din galing sa la salle. astig diba? :) after 2/3 years, nagkausuhan naman sa buong pinas ung ehead uleet. kami naman ung sawa na. ahahahha. ang gulo.

Comment ni Alea

@Alea

hahaha! ako kasi hindi magsasawa sa kanila eh!
hakhak! yaman ng iskul ah!
hahaha!

Comment ni eloiski

MERON DIN AKO download lang, nsa mp4 ko. hehehe. mga apat yatang album.

la ako arep pambili ng album nila eh… kaya download na lang k n sa akin…

wooottt… E HEADS.. malamang nanood ka ng reunion concert nila? aminin?

Comment ni shea

@shea

nung una download lang. akala ko kasi wala na talaga akong makikitang album nila… pero hayun meron na ako! weehee! 3 na lang ang kulang at kumpleto ko naaaaaaaaaa! waaaah!

pinag-iipunan ko kasi eh! nagpapakafangirl! lol!

wish ko lang na sana nakanood ako eh kaso ang layo ko kaya sa manila. tapos may pasok pa kami nun. ang dami talagang hadlang kaya bumili na lang ako ng dvd ng concert nila. at hanggang ngayon sa tuwing pinapanood ko… abot hanggang tenga ang saya ko at talagang nakikipagrakrakan din ako sa kanila…

hay!

Comment ni eloiski




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>