Notbuk ni Eloiski


Ang Kumplikado! Ang Labo!

Minsan tinanong niya ako “Kumusta ka naman?”. Pasimple ko siyang sinagot na “Hindi kasi makalipad ang ibon na iyon kaya kinakailangan niya ng kamera na de susi para sa ikaliligaya ng mundo.”. Nanahimik lang siya. Siguro nga hindi sapat ang toyo na nilagay ko sa buhangin kaya ganoon na lamang siya kung gumewang-gewang. At maya-maya pa’y sinigawan niya ako, “ANG LABO MO! DI KITA MAINTINDIHAN” sabay walk-out iniwan akong nakasampay at basang-basa.

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon. Ganoon na lamang ba kalalim ang balon kung bakit pilit na tumataas ang bilihin sa Tindahan ni Aling Cora. Ang alam ko, wala naman akong tinimplang kape eh. Bigla na lang kasi akong napabili ng unan saka inihalo sa niluluto kong lechon de lecheng bata. Minsan nga pilit kong iniisip bakit may sex scandal eh lagi namang unang sinusuot nila Batman at Superman ang pantalon kaysa sa brief.

Simple lang naman eh. Gusto ko lang na may makaintindi sa akin. Na sana balang araw eh may tumalon na dinosaur sa kinakain ko at saka ko ipapalapa sa lagareng pilit na kumakawala kay Darna. Wala namang akong makitang dahilan kung bakit kelangan ang green na blackboard samantalang may payong naman para samahan ka.

Nakukuha niyo ba ang gusto kong sabihin. Simple lang naman eh. Pangarap ko lang naman na may makaintindi sa akin. Kaya kung ako sa’yo magsibak ka na para matapos na ang sense ng mundo. Huwag mo nang hintayin na luluhod ang mga tala at saka ka lalamunin ng giant kaserola para manalo sa lotto.

Nagegets mo ba ako? Sana naman oo dahil kung hindi lilitaw si Sadako para makipagpyesta sa Valentines Day at hihilain ka niya para mag-internet.

***Ito po ang aking entry sa Libre Lang Mangarap ni Kuya Otep. Pasensya naman. Sana maintindihan niyo ako. Iyon lang naman pangarap ko eh na may makaintindi sa akin. Happy 3rd anniversary nga pala sa blog ni Kuya Otep! Yahoo!


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

ang labo nga tol. parang anu ba nakin mo hehehe… uiii.. jayson.. hihi.. :)

Comment ni walongbote

@walongbote

malabo. sobrang labo! nyahahaha!

Comment ni eloiski

[...] ELOISKI [...]

Pasa ni LLM T-SHIRT MAKINIG KAYO! :) « Libre Lang Mangarap! :)

@PostNiKuyaOtep

Naku! Sana naman manalo ako! Hahaha!

Comment ni eloiski

eloiski!!!

Comment ni jason

@Kuya Jason

Kuya Jason! Panalo ka na! Di mo na kelangan ng komento ko! Nyahaha!

Comment ni eloiski

hehe malabo nga…

Comment ni Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD

OT: bcng bc ka ata. ;)

Comment ni dhyoy

Nakakatuwa ang blog mo

Comment ni ysrael




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>