Isinalansan sa: Chismax Episode, Kalokohan Episode, Lablyp Episode, Paspasan Episode, Share-Sharan Episode, Wish Ko Lang Episode
Alam mo gwapo talaga siya. Andami ngang nagkakagusto sa kanya eh. Hindi naman siya katangkaran. Hindi rin naman siya kaliitan pero malakas ang dating. Medyo maporma siya pero bagay naman sa kanya.
Kaso may kulang pa rin eh!
Magaling siya kumanta. As in magaling talaga. Kasi ilang beses na rin siyang isinabak sa mga contests at laging champion ang nabibingwit niya. Member na rin siya ng glee club sa unibersidad namin.
Kaso may kulang pa rin eh!
Magaling din siya sumayaw. Isa nga siya sa mga leader-leaderan namin noong elementary pa lang kami. Ang galing kaya niya umindak. Magaling din nga gumiling. Akala ko nga noon bakla eh. Pero hindi pala. Lalake talaga.
Kaso may kulang pa rin eh!
Halos alam niya lahat ng musical instruments. Alam niya magpiano at henyo ata siya doon. Alam din niya magdrums. Alam din ata niya magxylophone. At ito pa ah, marunong din siya maggitara. Maeeelib ka talaga sa taong iyan.
Kaso may kulang pa rin eh!
Mahusay din siya sa larangan ng sining. Idol ko nga siya pagdating sa pagdodrawing eh. Hilig niya noong idrawing noong elementary pa lang kami eh yaong mga Power Rangers. At nang tumagal na eh mga babaeng nakatwo-piece na. Minsan nga isinabak siya sa contest ng poster making at hayun ano pa nga ba eh di nanalo na naman.
Kaso may kulang pa rin eh!
Matalino siya. Matalino talaga! Kaya nga natalo niya ako noon eh. Siya ang valedictorian namin at ako naman ay salutatorian lang. Pero ngayon natatalo ko na ata ang mokong na ito ngayong kolehiyo. Pero okay lang, matalino pa rin siya.
Kaso may kulang pa rin eh!
Mayaman siya. Halos lahat ng gadgets na sa kanya na. Updated kumbaga. Ang gara din ng sasakyan nila. At ang bahay nila laging pinapaayos eh maganda na nga. May business pa sila pero ewan ko lang kung kumusta na.
Kaso may kulang pa rin eh!
Magkakilala ang nanay ko at nanay niya. Kapag nag-uusap nga sila, kinukumusta ni nanay niya si ako at ganoon din si nanay ko sa nanay niya. Nagets mo? Ako, hindi eh. Basta nagkakamustahan sila.
Kaso may kulang pa rin eh!
Kapag nagkikita kami sa corridor. Walang pagkakataon na hindi niya ako babatiin. Wala ring pagkakataon na hindi niya ako kikilitiin. Wala ring pagkakataon na hindi kami nag-aapir. Basta kapag nakikita ko siya o nakikita niya ako, naghehello at medyo nagkukulitan kami.
Kaso may kulang pa rin eh!
As in may kulang talaga sa kanya. Kulang na kulang. Akala mo nasa kanya na lahat. Akala mo lang iyon. Pero may matinding pagkukulang talaga. Alam mo kung ano iyon? Alam mo kung ano? Ha?
Walang iba kundi AKO!
Oo AKO!
AKO ANG KULANG!
*Ang taong aking nabanggit ay tunay na nag-eexist sa mundong ito. Wala lang naalala ko lang siya. Hahaha! Naaalala ko ang Go the distance niya. Hakhak! Woi! Hindi ako inlab ah. Hindiiii! Amp! Elib lang ako sa kanya. Infatuation lang ito. Hindi love. Ano ba? Hindi nga love eh. Hindiiii!*
Sana walang makabasa na kakilala ko offline. Nakakahiya.
Isinalansan sa: Ang Techie Episode, Chismax Episode, Kaadikan Episode, Kalokohan Episode, Multiple Choice Episode, Share-Sharan Episode
Alam ko hindi ako madalas magblog. Alam ko hindi rin ako madalas magbloghop. Pero alam mo ba na palagi akong online? Oo. Madalas akong online pero bakit ni hindi man lang ako nagagawi sa blog na ito at gumawa man lang ng entry.
Simple lang. Adik sa plurk. Naadik ng bonggang-bongga na tipong habol ko na talaga eh mapataas ang karma ko. Yaong tipong makarma down lang ako, ang sama na sa loob. Tipong kahit ano na eh itatype ko basta lang mapataas ang karma ko. Adik much? Adik na adik!
Hindi lang dahil sa Plurk kundi dahil rin sa Facebook. Nakakatuwa ang mga games. Nakakaadik. Pati mga quiz nila nakakatuwang sagutan. Minsan nakakaewan. Minsan nakakatawa. Minsan sarap sapakin ang gumawa.
Hindi lang dahil sa Plurk at Facebook kundi dahil na rin sa Multiply. Alam ko may blog na ako. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo. Malamang more than 5 ang blog ko. Hahaha! Pero halos lahat sila hindi updated. Pero lahat sila mahal ko. Naks pamahal-mahal ek-ek ka pa. Mabalik tayo kay Multiply. Nagustuhan ko si Multiply kasi may mga reviews page siya, mga blog page, may music page, may photo page, may note page… Tila kumpletos rekados na eh.
Iyon lang naman. Kaya sige heto’t mapunta na tayo sa topic natin which is 10+1 SIGNS NG KAADIKAN SA INTERNET. Chaaaraaaaaan!
1. Lagi kong chinechek email ko. Lalo na kung walang pasok. Every after 5 minutes siguro ichecheck ko yan. At tuwang-tuwa ako kapag umaabot ng 50 messages ang inbox ko. Nakakakilig ang feeling eh. At kapag nasa school naman ako, kating-kati na akong magbreak para lang macheck ang email ko.
2. Andami ko ng nakausap na mga kung sinu-sino sa world wide web pero yaong mga kapitbahay ko ni hindi ko man lang kilala o nakakausap man lang. Ni hindi ko man lang alam pangalan nila. Basta as in wala. Hindi naman kasi ako naglalabas ng bahay namin para kilalanin mga tao dito sa subdivision. At ang malupit, hindi ko alam na kapitbahay ko pala sila.
3. Wala na akong masyadong updates sa mga palabas sa tibi. Hindi ko alam kung nangangabayo pa rin si Zorro. Kung nagtransform na bang bato si Totoy. O kung nagpalitan na naman ng asaran ang Eat Bulaga at Wowowee. Baka mamaya eh artista na pala ako ni hindi ko man lang alam. Hakhak! Nakakatakot lang na baka pagbukas ko ng tibi eh si Richard Gutierrez na pala ang presidente, na bakla pala ang mga Power Rangers.
4. Mas nanaiisin ko pang manatili sa loob ng bahay kaysa lumabas. Okay lang na nakakulong ako dito sa loob basta ba may internet. Okay lang as in okay lang talaga. Homebody naman ako eh. Manginginig lang katawan ko kapag nawalay ako sa laptop ko ng ilang oras. Dapt pre-occupied ang utak ko para hindi ko maisip na nalayo ako sa kanya. Kaya dapat may ginagawa talaga ako.
5. Heto, may blog ako. At gaya nga ng sabi ko, hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo. Siguro nga more than 5. Pasalamat nga’t binura ko yaong isa kasi parang may nilalang na kilala ko in real life ang nagbabasa ng blog ko eh andami ko pa namang kalokohan doon.
6. Kung wala akong load at may kelangan akong itext. Pupunta ako ng computer shop at magtetext ako sa taong iyon gamit ang chikka messenger. Nakatext na nga ako, nakapag-online pa ako. Hakhak. Iyon eh kung nasa bahay ako. Pero kapag nasa school siguro makikitext na lang.
7. Isang dakilang savior si Google. Kapag may research akong gagawin, si Google agad tinatanong ko. Kapag may gusto akong intranslate, si Google ang tinatanong ko. Kung may gusto akong bagong mobile phone na tipo, tinatanong ko si Google. Lahat tinatanong kay Google pati kulay ng panty ni Megan Fox noong July 9, 2009.
8. Bago ako matulog, iniisip ko muna kung ano kaya ang isesearch ko bukas sa Google. Iniisip ko kung ano kaya ang ipluplurk ko. O kaya kung ano kaya ang ibloblog ko. O kaya kung ano kaya ang mangyayari bukas sa internet world. Iniimagine ko kung ano kaya kung biglang nag-activate ang I Love You Virus at nagkataong online ako. Maaapektuhan kaya ako ng bonggang-bongga. O baka iplurk ko agad si Pablo Banila.
9. Kapag may nagjoke, unang-una kong sasabihin sa taong iyon eh LOL tapos tatawa na ako. Hindi niya mafigure out kung bakit kelangan ko pa sabihing LOL. Ako rin naman hindi ko rin alam kung bakit. Basta bigla na lang lumalabas sa bibig ko ang salitang LOL. Ay ewan ko ba. Lol. Hahaha! Lolololololol!
10. Sinasabi ko kay mama na nagreesearch ko kahit na ang totoo naman eh nagbabasa ako ng blog, nagpluplurk, nagfefacebook o kung anu-ano pa para lang manatili ako sa harap ng laptop at nag-iinternet at para hindi muna ako patulugin kahit alas-dos na ng madaling araw. Kunyari busy daw.
Ekshelli, hindi lang sampu eh. Marami pa. As in medyo madami-dami pa… Pero dahil tinatamad ako, heto na lang muna. Pero ito kelangan ko ata sabihin eh… kaya may pang-eleven pa…
11. Kapag may gusto akong sabihin, hindi ko sinasabi kahit kanino. Ipluplurk o itwitwitter ko iyan agad. O minsan naman binoblog ko. Epektib naman lalo na kung galit ka, masaya ka, kilig ka, o simpleng basta feel ko lang magshare sa world wide web pero hindi ko man lang mashare sa mga offline kakilala ko. Ayaw ko eh.
So iyan na lang muna. Sa wakas! May July blog entry na ako. Weeheee!
IKAW, ADIK KA NA RIN BA SA INTERNET?








