Isinalansan sa: Emo Moment Episode, Gawa-gawa lang Episode, Kaadikan Episode, Kalokohan Episode, Multiple Choice Episode, Paspasan Episode, Share-Sharan Episode
Napakadali lang naman magpasalamat di ba? Pero bakit ganun? Dahil sa sobrang kasimplehan ni hindi man lang natin masabi ang magic word na “Thank You” o “Salamat”. Oo na! Aamin na ako. Isa ako sa mga taong balahurang hindi hilig talaga ang magpasalamat. Sa totoo lang hindi naman hilig pero nakakalimutan ko eh. Hakhak! Hindi kasi namindset sa utak ko eh. Sorry nemen.
Kaya ngayon, nais ko sanang gamitin ang oras na ito para isalitype ang blog entry na ito para sa’yo. Oo, para sa’yo nga! Hakhak! Gusto lang naman kitang pasalamatan. As in sobra! Ang tatag mo kasi eh. Sa tuwing nagsusuffer ako sa sakit ko, lagi kang andyan. Kapag emergency lagi kang andyan. Buti nga at nalikha ka dito sa mundo dahil siguro kung wala ka, medyo miserable ngayon ang buhay ko.
So sino nga ba siya?
Ekshelli, hindi tao eh. Hindi rin hayop. Simple lang. BAGAY SIYA.
SALAMAT TISSUE PAPER!
Ang dami mong naitulong sa buhay ko. As in madami talaga. Hindi ko na nga mabilang eh. Pero ni kahit minsan ata hindi man lang kita pinasalamatan kaya heto o heto na nga oh.
Bakit nga ba kita gustong pasalamatan?
1. Alam mo na may allergic rhinitis ako at ang dyahe naman at ang kadiri kung ang gagamitin ko ay ang aking handy dandy hanky! Dahil diyan, salamat talaga. Minsan alam ko inaaabuso kita kasi sa isang araw nakakailang rolyo ako ng tissue paper. Sorry nemen. Matindi lang talaga ang pangangailangan.
2. Kapag emergency, lalo na kapag najejerbaks ako. Hayun at to the rescue ka. Ikaw ang aking sandigan. Naks kumokorni. Kaya mong makipagkumbaba sa mga jerbaks para lamang mapagsilbihan ako. Ganyan ka nga siguro kahumble. Kaya labs kita eh. Hakhak!
3. Kapag nasa kainan tulad ng McDo, lagi kang andyan sa tabi namin. Minsan nga sobra sobra pa. Hayun! Kinakaya mong makipaglambunchingan sa mga sauce ng spaghetti. Minsan nga kinakaya mo pang maging basahan. Idol na kita!
4. Isa ka ring pangsubstitute kay stickynote o kaya kay pad paper. Kapag may gusto kaming sabihin sa iba at kinakailangan isulat, hayun at to the rescue kang lilitaw para maging tulay namin. Alam ko minsan nga nakikiliti ka lalo na kung naglapat na kayong dalawa ni Ballpen. Asust! Kinilig ka naman!
5. Okay ka ring gawing sketchpad. Ewan ko lang ah pero pansin ko, umaayos ang drawing ko kung sa’yo naman ako gumuguhit. Siguro nga I’m destined to draw in a tissue paper. Atleast tipid iyon ah. Nyahay!
Alam ko marami ka pang silbi dito sa mundo. Minsan nga ginagamit ka pang origami. At minsan naman panlinis lang ng tenga. O di kaya nama’y pangkulangot. Pero ikaw iniinda mo lang ng lahat lahat ng iyan para lang maipakita mo sa mundo na hindi ka basta basta. Na wala kang arte. Na kahit mumurahin ka lang, hindi ka naman dapat murahin! Na hindi ka 1 in 1 lang. Isa kang ALL in ONE kumbaga. Napakaflexible na humble pa. Saan ka pa?
MULI, MARAMING SALAMAT SA’YO!
THANK YOU VERY MUCH!
ARIGATOU GOZAIMASU!
(Kaya please magpakita ka na. Tutumutulo na naman uhog ko oh!)
*Mabilisang entry! May pasok pa ako mamayang Alasdos eh.








