Isinalansan sa: Kaadikan Episode, Kalokohan Episode, Multiple Choice Episode, Paspasan Episode, Rebyus Episode, Share-Sharan Episode, Top Top Episode
Mga Pinoy sadyang palatawa talaga. Mga simpleng bagay nagagawan ng katatawanan. Alam mo ‘yon? Ewan ko kung mababaw lang talaga ako na madaling patawanin o sadyang nakakatawa lang talaga ang mga taong aking babanggitin. Hindi sila basta basta mga komedyante lang. Talentadong komedyante. Kaya hayan na ang aking Top 1o komedyantes:
10. Vhong Navarro
Minsan natutuwa ako sa kanya. Minsan nakokornihan naman. Pero atleast napapatawa pa rin niya ako. Kakaiba rin kasi mga galaw. Parang ewan na ang sarap sapakin. Basta ganun. Hakhak! Ang napanood ko pa lang ata na movie niya eh yaong AGENT X44 at oh well, face towel, sige na nga okay na rin.
Bonus point: Dancer
9. Roderick Paulate
Hahaha! Hindi ko pa man napapanood yaong ded na si lolo pero natatawa na ako sa trailer niya. Hahaha! Hanggang ngayon di ko pa rin napapanood. Hakhak! Matindi rin siya magpatawa. Pero hindi siya yaong natural na comedian kasi kelangan niya atang talaga ng script para mapatawa ka. Parang ganun… Basta ganun nga! Hakhak!
Bonus point: Host
8. Bearwin Meily
Ewan ko ah pero mukha pa lang niya natatawa na ako paano pa kaya kung nagpatawa na siya. Napapanood ko kasi yaong Darna at kadalasang naabutan ko doon eh si Bearwin… laptrip moda ko nun. Paano ba naman kasi ang exaj niya pero dahil sa pagiging exaj niya doon ata ako natatawa.
Bonus point: Magician
7. Ramon Bautista
Hakhak! Kakaiba naman ang Ramon na ito. Hindi lang siya pangtv, pangradyo pa. Hindi ka lang niya papatawanin sa tibi kundi mas mapapalaptrip ka pa lalo kapag pinakikinggan mo siya. Napakanatural na comedian din niya eh. Wapak din siya. Kanina lang napanood ko ang bagong commercial niya yaong sa Mcdo… yaong McSavers. Hahahaha! Sapak na Wapak na Wasak!
Bonus point: Rapper, Actor, Director, Professor
6. Jose Manalo
Ang adik naman ng komedyanteng ‘to. Siya rin yaong tipong Bearwin ang dating. Mukha pa lang tawang-tawa ka na. Gustong-gusto kong panoorin yaong Bulagaan nila sa Eat Bulaga kasi kakaewan lagi pinaggagawa niya. At latrip talaga ako dati sa Enteng Kabisote na kung saan eh naging Fiona siya. Bwisit! Nakakainis na ewan. Amp!
Bonus point: Singer? (pwede na rin… hakhak!), Host, Businessman
5. Eugene Domingo
Anakng! Kung ikaw hindi mo pa napapanood ang Kimmydora niya pwes manood ka na. Hakhak! Laptrip talaga ako sa kanya sa totoo lang. Sa Adik Sa’Yo pa lang na sa tuwing nadadaanan ng mga mata ko si Eugene wapak hagalpak na ako eh. Matindi nga siguro talaga ang sense of humor niya. Basta cool siyang komedyante. Kaya nga siguro kahit gabing-gabi na eh napagtyatyagaan kong panoorin ang Cool Center. Hakhak!
Bonus Point: Basta nakakatawa talaga siya, Actress?
4. Ogie Alcasid
Lol! Hakhak! Yaya you’re such a loser. Imposible namang hindi mo pa rin alam kung sino si Angelina. Hakhak! Ang sarap sarap niya sapakin. Nakakainis na bata. Pero nakakatawa rin siya at the same time. Hakhak! Kapag nagsama na sila ni Michael V., isang dakilang WAPAK!
Bonus point: Singer, Ex-husband ni Michelle (basta yung foreigner!)
3. Vic Sotto
Sa kanya laptrip din ako. Alam ko yaong mga the moves niya o yaong mga banat niya eh so kopongkpong na tipong panahon pa ng lolo ko pero ayun eh, natatawa pa rin ako sa kanya. Hindi yaong tipong mahuhulog na sa kinauupuan pero atleast nandoon talaga na may sense of humor siya eh. Meron kasi siyang mga jokes na minsan talaga hindi mo magegets pwera na lang kung parehas kayo ng mundo. Tipong ganun eh. Basta! Malupit din siya magpatawa.
Bonus point: Actor, Host
2. Joey de Leon
Alam ko maraming naiinis sa kanya. Marami ding nababastusan. Pero para sa akin kwela talaga siya. Napapatawa niya ako. Napakanatural niya eh. One liner na banat pero tagos to the bones (Hindi tulad nung ewan na ‘yon! Hakhak!). Hindi niya kelangan magpakatanga o magpakakengkoy para mapatawa ang ilan. As in okay na eh. Kaya hayun, kadalasan kong pinapanood ang Eat Bulaga at yaong Mel and Joey. Hakhak! Napakahenyong nilalang din nito. Basta para sa akin henyo siya. Bakit ba?!
Bonus Point: Composer, Artist, Singer?, Host
1. Michael V.
Sino ba naman hindi nakakakilala kay Bitoy. Sikat na sikat na komedyante na siya ah. Pruweba na yaong Reader’s Digest. Laptrip na laptrip ka talaga dito. Napakanatural din niya eh. Minsan corny pero nakakatawa pa rin naman. Parang Joey de Leon din kaso mas wholesome nga lang si Toybits. Ang tindi niyang impersonator. As in! Pero tawang-tawa talaga ako sa pagiging yaya niya sa Spoiled Brat ng Bubble Gang. Isali mo pa diyan yaong Junie Lee niya. Hakhak! Tapos henyo talaga ‘to sa pagpapatawa eh. Yaong ibang mga scenes daw sa Bubble Gang siya yaong may pakana minsan. Walang duda na siya ang nangunguna sa aking listahan. Isa siya sa mga komedyante na hinding-hindi ko malilimutan of all time. Iba ang tama niya sa akin. Hakhak!

Bonus point: Host, Actor?, Impersonator, Photographer, Composer, Musician
May problema ka ba sa listahan ko? Pwes! Pakialam ko! Hakhak! Eh sa sila nga ang napili ko eh. Alam ko pawang mga napili ko ay mula sa Kapuso pero iyon kasi ang kadalasang natatimigan ko sa bahay. Ayaw ko na rin maglipat ng channel kasi nahook na rin ako. Hakhak! Pero hindi naman ako Kapuso eh. Nanonood din naman ako ng mga palabas sa Kapamilya.
Anyways! Kung sila lang naman ang wewelcome at bubulaga sa akin sa tuwing magigising ako sa umaga, malamang na araw araw na akong masaya. Na tipong wow! Nakasmile na ang batang si Eloiski…. Inlab? Neber!
Baboooh!
Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>









pinakagusto ko si Michael V!hehe:)
Comment ni aubu22 Setyembre 22, 2009 @ 11:27 haponastig si micheal v.. pero ewan ko lang kung napansin nyo na kapag si joey ang kasama ni bitoy hindi magtagpo ang jokes nila..
Comment ni Filipino Social Network Setyembre 23, 2009 @ 3:42 umagapareho tayo si michael v din ang love ko na comedy actor. buy nga ako kagad ng rd nung na feature siya eh… hehehe
astig niya noh..
Comment ni shynyrd Oktubre 1, 2009 @ 1:26 umagaEloiski.Asan ka na?
Comment ni Walongbote Oktubre 2, 2009 @ 1:37 hapongling tga ci bitoy…hihii
Comment ni ronel marin Oktubre 3, 2009 @ 4:45 umagaeloiski kelangan ko ng konting tulong mo baka trip mong iboto ang blog ko http://www.philippineblogawards.com.ph/2009/10/01/vote-now-for-the-2009-bloggers-choice-special-award/ si taympers po.
Comment ni taympers Oktubre 3, 2009 @ 2:02 haponYEBBAA! BITOY IS DA MAN. hakhak! grabe no ang galing niya–makita mo pa lang siya, hahagalpak ka na sa tawa eh. hahaha. henyong henyo. sabi ng prof ko sa calculus, kabatch daw niya si Michael V, tapos kung ano daw siya noong hayskul sila, ganun na ganun din daw siya ngayon.. wala lang. Pati si TUesday Vargas din. la lang, share ko lang.
Comment ni batopik Oktubre 27, 2009 @ 12:19 hapon