Notbuk ni Eloiski


RIP ELOISKI!
Oktubre 26, 2009, 9:41 umaga
Isinalansan sa: Buhay-Buhayan Episode

Sorry nemen.  Ang tagal kong naglaho tapos heto may isang kagimbal-gimbal na balita pa akong sasabihin na maaaring ikasawi niyo (di joke lang! exaggerated!).

Nakakalungkot ‘to!  Swear!  Maghanda ka na ng tuwalya.  Hell yeah!  Tuwalya! Tapos samahan mo pa ng timba!  Hakhak!  Syempre exaggerated na naman ako nito.

Okay base sa title ko REST IN PEACE ELOISKI.  Oo, mawawala na ng tuluyan si eloiski.  Kasi kasi kasi ano eh gusto ko ng magtransform.  Hindi ko na kinaya na maging eloiski habambuhay.  Ang hirap dude!

Sa tuwing tinitignan ko yaong mga search engine terms ng blog na ‘to para makita ko kung paano sila napapadpad dito.  Lagi kong nakikita ang eloiski.  Minsan hindi lang eloiski.  Ang paglalakbay ni Eloiski pa.  Nakakatakot lang.

Meron na nga atang nakarating sa hideout ko eh.  Mga taong hindi dapat talaga mabasa ang blog na ito naliligaw, nakikibasa.  Ang hirap dude!  Nababasa nila ang blog ko.  Meaning parang buhay ko nalalaman na nila.  Masyado kasing revealed ang identity ko.  Medyo kasi kilala ang eloiski.  Itype mo pa lang sa search engine ng google ang eloiski… Blog ko agad ang lilitaw.  Nakakatakot talaga.  Baka may mabasa sila na hindi dapat nila mabasa.

Hindi ko alam baka pati kapatid ko nababasa na rin niya ito.  Baka nga pati pinsan ko eh.  Hindi lang pinsan, baka nga pati nanay at tatay ko eh.  Ewan ko nga eh bigla na lang nilang nasabi sa akin ni mama… “Ang galing mong magkwento ah!  Nakakatawa!”.  Ano raw?  Waaah!  Kaya nagpanic ako noh.  Ganoon din ang kapatid ko.  Nakikibasa ata ang chaka.  Pati pinsan ko hayun at tinype niya pa ang pangalan niya sa search engine sa blog kong ito at nakita nga niya ang pangalan niya.  Buti na lang matino pinagsasabi ko sa kanya.

Pero minsan sobrang liit talaga ng mundo eh.  ”Ikaw ‘yong eloiski noh!  Andoon kasi initials mo eh!” sabi niya.  Putakte!  NapaWTF ako sa gulat.  ”Paano ka napunta sa blog ko????!!! WAAAAAAH!” (Hindi na yan exaggeration.  Iyan na talaga reaction ko!).  Sabi niya, wala daw kasi siya magawa sa net tapos hayun nagtype daw siya ng “nakakatamad” o “walang magawa” sa search engine ni google.  Tapos hayun isa sa lumabas na result ay ang entry ko.  Tapos yung entry pa na ‘yon eh tungkol sa iskul ko eh syempre parehas kami ng iskul kaya nakarelate siya.  Tapos tinignan niya ang ABOUT page ko at hayun AHA HULE!  Ang blogger ay walang iba kundi si Ma. Eloisa!  Puchaaaa!

Ewan ko kung para sa’yo ang babaw ng rason ko para iwanan ang blog na ‘to pero para sa akin iba kasi ang blog na ‘to.  Masyadong espesyal.  Puno ng eloiski.  Puno ng ako.  Puno ng buhay ko  (Ay shattap!  Ang drama ko!).

Akala mo ma ba madali lang iwan ang blog na ‘to?  Hindi noh!  As in hindi talaga!  O HINDEEEE!!! (With hebigats na iyak!).  Dito lang ako sa wordpress nagtagal ng ganito katagal (Ang pangit ng pagkakasabi!).  Akalain mo two years pa ata eh.  Ang tagal nun.  Maniwala ka dude.  Matagal na rin yun noh.  Hindi biro ang pagmaintain ng blog.

Kaya masakit mang gawin pero kelangan talagang  tanggapin….

Heto na..

Heto na talaga…

PAALAM ELOISKI!  PAALAM ANG PAGLALAKBAY NI ELOISKI!  MAMIMISS KITA!

PERO wag kayo mag-alala…

May….

HELLO AT WELCOME _____________________!!!!

(Bahala ka na mag-interpret!)


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

condolence.

wala pa bang bago? :)

Comment ni eph




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>