Notbuk ni Eloiski


Nosibayasi

Aba’t nakarating ka talaga dito ah? Interesado ka talagang makilala ako. Sige, dahil nandito ka na rin naman, pagbibigyan kita at umaasa ako na sa pamamagitan ng blog kong ito, maging magkaibigan tayo kahit dito lang sa blogosphere tayo magkulitan at maglokohan. :-)

 

 

Ma. Eloisa R. A. ang tunay kong pangalan at kung bakit iyan ang napili nila ay hindi ko alam. Basta ang alam ko bago Ma. Eloisa ang naging pangalan ko, marami pa silang natanggap na suhestyon mula sa mga kakilala nilang relihiyoso’t relihiyosa. Sabi nila, dapat daw pangalan ko’y Clement dahil sa Angono, Rizal ako ipinanganak. Nobyembre pa talaga ang Pista ng St. Clement, tumama pa sa kapanganakan ko. Pero, hindi pumayag ang dakila kong nanay at nag-isip na lang ng panibago. At iyan nga magkarhyme ang ending pati sa apelyido kumpletos rekados na pangalan.

 

 

Nagtapos ako ng hayskul sa Christ the King College, isang Catholic School na pinapatakbo ng madre kaya ICM (Immaculati Cortis Mariae) pero para sa akin ibig sabihin niyan “I Collect Money”. Pero, akala mo diyan nagtatapos ang lahat? Hindi rin. Ngayong kolehiyo na ako, pumasok uli ako sa isang Catholic University, ang Saint Louis University. Kung ang CKC ay pinapatakbo ng madre, ang SLU naman ay pinapatakbo ng mga pare kaya CICM naman ang drama nito. Pero, ganoon pa rin ang ibig sabihin ng acronym na iyan “Can I Collect Money”, mas naging magalang nga lang ang dating.

 

Mahilig ako magbasa ng mga libro nakakatawa man ito, seryoso, nakakahilo kahit pampanosebleed pa iyan na tulad ng kay Inday, papatulan ko lalo na kung bored na bored ako at wala talagang magawa. Ang ilan sa mga libro na binabasa ko’y mula sa malikhaing kaisipan nila Bob Ong (Abnkkbsnplako?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Paboritong Libro ni Hudas, Stainless Longganisa, Mac Arthur), Jessica Zafra (Yung Twisted Series pero dalawa pa lang nababasa ko), Dan Brown (Angels and Demons, Da Vinci Code), Lemony Snicket (The Series of Unfortunate Events), Dr. Jose P. Rizal (El Filibusterismo, Noli Me Tangere), KZone Mag, minsan yaong Candy rin, at yaong Chicken Soup for the Soul okey na okey sa olrayt ako doon.

 

 

Isa akong kolektor ng mga iba’t ibang DVDs tulad ng animated series (Happy Feet, Ratatouille, Arthur at iba pa), anime (Slamdunk, Yakitate Japan, Tsubasa Chronicles na kasalukuyan ko pa ring pinapanood), Koreanovela na romantic comedy, ayoko ng madrama (Coffee Prince tapos ko na, Hello, My Lady!, My Girl, Full House at yaong iba na napanood ko lang sa tv), at iba pang mga movies na hindi ko na matandaan. Siyempre lahat ng mga iyon eh pirated DVDs. Ang mahal kaya ng original, ano sila sineswerte. Pambili ko na lang shawarma nabusog pa ako.

Gustong-gusto ko talaga ang mga Koreanovelas pati yaong mga Korean actors at actresses. Crush ko yaong lalaki na bida doon sa Coffee Prince, ang gwapo niya! Pati yaong si Jae Hee doon sa ChunHyang, tapos yaong bida rin na lalaki doon sa Hello, My Lady! Takte! Ang gwapo nilang lahat. Crush ko rin yaong boss ng mga estudyante ni Yankumi sa Gokusen I ha. Idol ko rin si Nakama Yukie, yaong si Yankomi sa Gokusen. Pero yaong Gokusen alam ko JDorama naman iyon. Nagagandahan talaga ako sa lahat ng mga Koreans na babae, ang amo at ang bata kasi ng mukha nila. Nahumaling din ako kay Vic Zhou ng F4. Talagang bumili rin ako ng mga cds nila. Syempre, pirated ulit.

 

 

Nangarap din ako na magkaroon ng sariling library sa bahay namin. Eh sa dami ng libro na binibili ko sa tingin ko’y pwede na ako magkaroon ng mini library pero wala talagang space sa bahay namin. Madalas sana ako sa library namin tuwing vacant eh kaso napakataas ng library namin at hihingalin ka talaga pagdating mo sa destinasyon mo, ang 5th floor! Ngayon, nadagdagan na naman. Gusto ko naman eh Chemistry laboratory. Mahilig ako sa mga chemicals. Yaong paghahalo-halo ng mga ito tapos bigla sasabog and oh it became coco crunch.

Hindi naman sa nagmamayabang ako pero ito talaga ang totoo, consistent honor student ako mula noong nagsimula akong mag-aral hanggang sa paggraduate ko ng Hayskul. Noong 1st sem namin, dean’s lister ako at umaasa na sana pati sa 2nd sem at sa susunod pang sems eh maging dean’s lister pa rin ako. At sana, makagraduate ako na may honor. Sana. Panagarap ko talaga iyan. Suma Cum Laude. Malabo na talaga ‘to! Eh kapag Magna cum Laude? Malabo pa rin. Kung cum laude naman kaya? Kakayanin pero medyo mahirap pa rin. Ano na lang kaya pwede para sa akin?

 

Gustong-gusto kong asarin ang mga kapatid ko, minsan nga sila mama at papa pa at ang iba pang nandito sa bahay eh. Mapang-asar talaga ako. Kaya, kapag naging close na tayo, matatadtad ka talaga ng pang-aasar mula sa akin hanggang sa maimmune ka at hindi na masyadong apektado. Pero, hindi naman ganoon na as in sobra na dumadating sa punto na nasasaktan ko na sila. Inaamin ko minsan sumosobra na ako sa limitasyon at napapaiyak ko talaga yaong mga kapatid ko at minsan nagiging sanhi rin ito ng hindi naman ganoon na katagal na tampuhan ng mga kaklase at ilang mga kaibigan ko.

 

 

Tahimik lang ako kapag hindi ko kayo ganoon kaclose o hindi ko kayo kilala o ayoko sa inyo. Pero, umasa ka na once na medyo gumagaan na pakiramdam ko sa’yo, maririndi ka na sa kaingayan ko. Maingay na ako na parang serena ng ambulansya at magsheshare ng mga tsismis na nasagap ko. Ekshelli, updated ako sa mga tsismax at ayaw ko talagang magpahuli. Hindi ko kayo titigilan kapag alam ko na may alam kayong tsismis na ayaw niyong sabihin sa akin. Hehehe. Tsismosa. Pero, yaong medyo personal eh hindi ko naman na isinisiwalat sa madla. Sapat na ako na lang ang makaalam sa aking nasagap na tsismis. Ngapala, may buntis sa batch namin si ano. . (Ooops! Shattap!)

 

 

Madalas na lagi lang akong nasa loob ng bahay at nagkukulong sa kwarto para magcomputer, mag-internet at gawin lahat ng mga hobbies ko. Hindi ako mahilig pumasyal-pasyal at pumunta kung saan-saan. Sapat na ako sa harap ng computer na may nababasang mga entries mula sa ibang bansa at saan mang sulok ng Pilipinas. Parang nakarating na rin ako sa lugar nila. Kaya, huwag kang magtaka kung halos lahat ng kaibigan ko eh yaong mga naging kaklase ko lang o yaong mga batchmates o schoolmates. Wala akong kakilala na kapitbahay namin. Kung meron man, iyon ay dahil naging schoolmate ko rin siya dati.

 

Congratulations! Kung nakaabot ka hanggang dito sa paragraph na ito. Nangangahulugan lang na interesado ka talagang maging kaibigan ko sa kabila ng mga deskripsyong pinaglalagay ko na puro katangahan, kapangitan at napakawalang kwenta. Pasensya, wala akong magagawa kong ganyan talaga iyan. Ipinanganak talaga akong ganito.

 

 

CONTACT ME:

Friendster/Email Account: eloiski_05@yahoo.com

Yahoo! Messenger: eloisa_aztig5

Multiply account: http://eloiskee.multiply.com

Blog: http://eloiski.wordpress.com (trip ko lang ilagay!)

CP #: zero nine zero six five eight zero nine nine two two

 

 


Mga Puna sa ngayon
Mag-iwan ng puna

ayan a..ginusto talaga kitang makilala..umabot ako dto..
add din kita ha..salamat..

Comment ni vanvan

inadd kita sa fs! haha

Comment ni Joffred

naknang! mejo hawig ang hilig natin ah! mejo lang naman.

Comment ni jei

Eloiski, Hapi Easter syo at syong pamilya

Comment ni sandijmartin

Ola! Ate, add kita. thanks! baka trip mo bumisita:-)

http://www.aborlan.wordpress.com

salamat! your site made my day.

Comment ni Tam Joya

Hi! salamat sa pagbisita. ok din ‘tong blog mo ah :)

Comment ni jen-chan

Hi. nice naman ng blog mo! cutie cute =)

Comment ni Prinsesa ng Drama

Congratulations! Kung nakaabot ka hanggang dito sa paragraph na ito. Nangangahulugan lang na interesado ka talagang maging kaibigan ko sa kabila ng mga deskripsyong pinaglalagay ko na puro katangahan, kapangitan at napakawalang kwenta.

AHAHAHAHA! natawa ako dito pagbasa ko. hehe! ayusayus, girl! :D

AND—-di ako makapaniwala dito…

CP #: zero nine zero six five eight zero nine nine two two

nilagay talaga. hehe..
take care, ma. eloisa!

Comment ni ting2x

hehe,,nakakatuwa naman ang pahina mong ito..interesting..siguro ang saya mong kasama sa totoong buhay..hehe,,ang kulet e

Comment ni The Lady in Green Ruffles




Mag-iwan ng puna
Awtomatiko ang putol ng linya at talata, nakatago ang sulatronikong adres, at pinapayagan ang HTML: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>