Isinalansan sa: Buhay-Buhayan Episode
Sorry nemen. Ang tagal kong naglaho tapos heto may isang kagimbal-gimbal na balita pa akong sasabihin na maaaring ikasawi niyo (di joke lang! exaggerated!).
Nakakalungkot ‘to! Swear! Maghanda ka na ng tuwalya. Hell yeah! Tuwalya! Tapos samahan mo pa ng timba! Hakhak! Syempre exaggerated na naman ako nito.
Okay base sa title ko REST IN PEACE ELOISKI. Oo, mawawala na ng tuluyan si eloiski. Kasi kasi kasi ano eh gusto ko ng magtransform. Hindi ko na kinaya na maging eloiski habambuhay. Ang hirap dude!
Sa tuwing tinitignan ko yaong mga search engine terms ng blog na ‘to para makita ko kung paano sila napapadpad dito. Lagi kong nakikita ang eloiski. Minsan hindi lang eloiski. Ang paglalakbay ni Eloiski pa. Nakakatakot lang.
Meron na nga atang nakarating sa hideout ko eh. Mga taong hindi dapat talaga mabasa ang blog na ito naliligaw, nakikibasa. Ang hirap dude! Nababasa nila ang blog ko. Meaning parang buhay ko nalalaman na nila. Masyado kasing revealed ang identity ko. Medyo kasi kilala ang eloiski. Itype mo pa lang sa search engine ng google ang eloiski… Blog ko agad ang lilitaw. Nakakatakot talaga. Baka may mabasa sila na hindi dapat nila mabasa.
Hindi ko alam baka pati kapatid ko nababasa na rin niya ito. Baka nga pati pinsan ko eh. Hindi lang pinsan, baka nga pati nanay at tatay ko eh. Ewan ko nga eh bigla na lang nilang nasabi sa akin ni mama… “Ang galing mong magkwento ah! Nakakatawa!”. Ano raw? Waaah! Kaya nagpanic ako noh. Ganoon din ang kapatid ko. Nakikibasa ata ang chaka. Pati pinsan ko hayun at tinype niya pa ang pangalan niya sa search engine sa blog kong ito at nakita nga niya ang pangalan niya. Buti na lang matino pinagsasabi ko sa kanya.
Pero minsan sobrang liit talaga ng mundo eh. ”Ikaw ‘yong eloiski noh! Andoon kasi initials mo eh!” sabi niya. Putakte! NapaWTF ako sa gulat. ”Paano ka napunta sa blog ko????!!! WAAAAAAH!” (Hindi na yan exaggeration. Iyan na talaga reaction ko!). Sabi niya, wala daw kasi siya magawa sa net tapos hayun nagtype daw siya ng “nakakatamad” o “walang magawa” sa search engine ni google. Tapos hayun isa sa lumabas na result ay ang entry ko. Tapos yung entry pa na ‘yon eh tungkol sa iskul ko eh syempre parehas kami ng iskul kaya nakarelate siya. Tapos tinignan niya ang ABOUT page ko at hayun AHA HULE! Ang blogger ay walang iba kundi si Ma. Eloisa! Puchaaaa!
Ewan ko kung para sa’yo ang babaw ng rason ko para iwanan ang blog na ‘to pero para sa akin iba kasi ang blog na ‘to. Masyadong espesyal. Puno ng eloiski. Puno ng ako. Puno ng buhay ko (Ay shattap! Ang drama ko!).
Akala mo ma ba madali lang iwan ang blog na ‘to? Hindi noh! As in hindi talaga! O HINDEEEE!!! (With hebigats na iyak!). Dito lang ako sa wordpress nagtagal ng ganito katagal (Ang pangit ng pagkakasabi!). Akalain mo two years pa ata eh. Ang tagal nun. Maniwala ka dude. Matagal na rin yun noh. Hindi biro ang pagmaintain ng blog.
Kaya masakit mang gawin pero kelangan talagang tanggapin….
Heto na..
Heto na talaga…
PAALAM ELOISKI! PAALAM ANG PAGLALAKBAY NI ELOISKI! MAMIMISS KITA!
PERO wag kayo mag-alala…
May….
HELLO AT WELCOME _____________________!!!!
(Bahala ka na mag-interpret!)
Isinalansan sa: Ebents Ito Episode, Emo Moment Episode, Galit-Galitan Episode, Iskul Bukol Episode, Paspasan Episode, Serious Episode
Sa tanang buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang galit na ‘to. Hindi ko alam basta sobrang galit ako ngayong araw na ‘to. Ika-7 ng Oktubre, itataga ko yan sa calendar ko.
WARNING: Isang napakahabang post na walang kwenta lamang ‘to. Gusto ko lang talaga ilagay sa blog ko para naman maalala ko na may nangyaring ganito sa buhay. Na minsan pala naramdaman ko rin ang ganoong klaseng araw. Puro mga school ramblings lamang ang mga pinagsusulat ko. Ikaw ang bahala kung babasahin mo. Basta ang alam ko binalaan kita.
06:45-08:00 am – Umagang-umaga pa lang badtrip na ako. Parang nanggaling lang ako sa swimming pool o dagat at diretso agad sa iskul ang drama ko. Sobrang basang-basa ako. Dapat talaga walang pasok eh. Nakakainis lang talaga. Ang baliktad ng pag-iisip nila. Kapag humahangin hangin lang ng kunti at ni walang ulan, hayan at Suspended daw ang klase. Pero kapag halos mamatay na mga estudyante sa lamig, malakas ang hangin, malakas ang ulan, hayun at may klase. Parang alam mo ‘yon? Ang sarap manapak na ewan! Siguro kaya nainis din ako ng sobra kasi nag-expect ako eh. Nag-expect na walang pasok pero hayun may pasok sa kabila ng lahat na napakalakas ng hangin. Napakalakas ng ulan. Ewan ko ba pero parang ang sarap pumatay ng oras na ‘yon. (Kanina sapak lang ngayon patayan na!)
08:30-09:30 am – Pagpasok ko sa school hayan Mechanics na namin. Hindi ko maintindihan ang lesson. Malamang sa malamang. I feel so wet kaya (ang panget!). Nilalamig ako kahit nakajacket na ako’t lahat lahat. Basa ang sapatos ko. Basa ang pantalon ko. Basa ang jacket ko. Pero hayun at nasa iskul pa rin ako. Nakababad! Basang-basa. At dahil nga kahit gustuhin ko mang makinig at matuto hindi ko talaga kinaya ang lamig (sobra talaga eh!). Kaya hayun hindi ako nagsulat.
09:30-10:30 am – Heto naman ang bwisit na Electronics. Ewan ko ba. Nakakalito na talaga siya. Akala ko basta kapag ang circuit eh nakacenter tap o nakabridge-type eh full wave na agad ang gagamitin kong mga formulas. Pero takte talaga! Bakit biglang lumilitaw ang half-wave na formulas. At gaya ng dati, hindi ko na naman mabasa ang mga nakasulat sa blackboard. Malabo na nga ang mga mata ko kahit na nakaeyeglass na ako, ewan ko pero hindi ko pa rin maintindihan mga sinulat ng mga klasmeyts kong nagvolunteer para sagutan ang assignment kuno. Kaya ayun at hindi na lang ako nagsulat o nangopya. Lamig na lamig talaga ako eh. Tapos biglang napansin ng seatmate ko yaong mga kuko ko. Nangingitim na sa lamig. Nagulat pa talaga siya ah. Parang patay na raw. Tapos yaong mga kamay ko daw sobrang lamig na. Parang malamig na bangkay. Takte!
10:30-11:30 am – Akala ko iyon lang ang kamalasan na mararamdaman ko, hindi pala! Pagkatapos ng Electronics namin eh Vectors. At anakngmalandingkambing! May quiz daw kami. Takte! Eh wala pa naman akong maintidihan sa nilalang na iyon! As in walang-wala talaga! Kaya ayun nagquiz ako na walang maisulat sa papel. Ni formula nga hindi ko alam eh. As in wala talaga. Blangkong-blangko ang utak ko kaya naman blangko rin ang papel ko nang ipinasa ko.
11:30 – 01:00 pm – At sa wakas lunch na, at hayun hindi pa rin natutuyo ang pantalon, sapatos at jacket ko. Naghanap ng makakainan pero takte halos puno lahat buti na lang at naghanap-hanap kami at naman napakalakas pa rin ng ulan at hangin nun pero go pa rin. Tomguts na talaga eh. At hayun isang sinigang na baboy ang aking inulam. Ang sarap lalo na’t ang lamig lamig ng pakiramdam ko. Pero hindi pa rin ako nag-enjoy habang kumakain. Bakit kamo? May exam naman ako sa Electronics Laboratory ng 1pm. Eh ang bagal pa mandin kumain ng mga kasama ko. Kaya pagdating na pagdating ko sa klasrum, nagreview ako agad. Exam na yun ah. Tapos isang oras o trentay minutos na lang bago mag-ala una.
01:00 – 02:00 pm – Hinihintay namin si ma’m sa klasrum. Maya maya pa’y may dumating na estudyante na hindi ko kilala at sinabing sa Rm H507 daw kami. Pinuntahan naman namin. And guess what? May ibang estudyanteng naroon. Hindi namin kaklase. Mga higher years ata. Hindi ko alam kung nagkamali yaong estudyanteng ‘yon sa sinabi niya o nabingi lang talaga kami. Pero may tiwala talaga sa sarili mga klasmeyts ko at sinabi nilang doon daw kami sa room na iyon. At hayun, sila ang napatalsik namin. Hindi naman nagkakaubusan sa rooms pero ewan ko kung anong meron sa room na iyon bakit gustong-gusto ng mga teachers. Nag-exam kami at hayun multiple choice na nga lang nakakalito pa rin. Kaya hayun! Pinikit ko mga mata ko habang ang ballpen nakaturo sa mga choices at ginalawa-galaw. Kung saan titigil ang ballpen, iyon na ang sagot ko. Tapos sa Test II naman, draw the circuits daw eh paano ko kaya ilalagay ang oscilloscope na iyon. Hindi ko alam kung part ba siya ng circuit o nakikigulo lang sa drawing ni ma’m. Ang labo!
02:00 – 03:20 pm – Ekshelli, 1-4 pm ang lab namin kaso exam nga kaya hayun ang dami naming extra time. Pero hindi! May quiz na naman ulit kami sa Circuits ng 4pm. Dyoskoday! Parang gusto ko ng pakamatay ng mga oras na ‘yon. Bugbog na bugbog na ang utak ko at parang katawan ko din nabugbog sa pagod at lahat lahat! So hayun, naghanap kami ng klasrum na walang nagkaklase para doon sana kami magreview pero wala kaming mahanap. Okay sana ang corridor pero basa na ang floor dahil sa takteng ulan na ‘yan. Pumunta kami sa 3rd floor at nagbabakasakali pa rin. Hayun biglang may nanghila sa aking kaklase at sabi niya magvote daw ako. At oo nga pala, votation votation pala ngayon. Wala naman akong balak magvote talaga dahil kelangan ko pang magreview at isa pa wala talaga akong pake sa bagay na ‘yan. Wala naman akong napapansing pagbabago kahit sino man ang naluluklok sa pwesto. Pero sadyang mapilit ang kaklase kong ‘yon dahil para daw sa NSTP chenes nila. “Please! please!” ang sabi niya. Kaya hayun sige na nga.
03:20 – 04:00 pm – Nakahanap na rin kami sa wakas ng floor na hindi basa para doon muna umupo at ng makareview sana. Nagrereview ako pero wala na naman akong magets sa mga kinopya ko. Wala talaga! As in wala talaga! Talagang walang-wala. Nakakaawa nga ako nun eh. Tanong ako ng tanong sa kaklase ko kung paano ‘to, paano ‘yan, bakit ganito, ano ‘to. Alam mo iyon? Ang labo-labo ng mundo ko. Sobrang labo mas malabo pa sa Ilog Pasig ninyo. Nagreview pero walang naintindihan. Bwisit na buhay!
04:00 – 05:00 pm – Putangena! Pasensya na sa words pero ‘yan lang talaga masasabi ko sa nangyari sa akin sa quiz na ‘yon. Wala akong maisulat sa papel ko. As in wala na naman ulit. Kay kung anu-ano na talaga ang nilagay ko. Mga walang kwentang chenes eklavoo may maisulat lang talaga. Ang hirap talaga. Parang wala akong makukuha. Wala nga ata talaga eh. Sobrang pamatay na quiz ‘yon. Bwisit! Hanepakshit!
SOBRANG NAKAKAINIS ANG ARAW NA ‘TO. TILA GALIT NA GALIT TALAGA AKO SA MUNDO DAHIL SA MGA PANGYAYARI. NGAYON KO LANG KASI NARANASAN ANG GANITONG KLASENG ARAW EH. KAKAIBA, NAKAKABWISIT, MAKAPAMATAY-TAONG ARAW TALAGA.
Kaya kung ikaw man ay umabot hanggang sa parteng ito nang hindi shumoshort cut, saludo ako sa’yo. Ang tindi mo. Kinaya mong basahin ang walang kwentang post na ‘to na nagsasaad lamang ng kanyang kabwisitan sa buhay. Sorry nemen. Nakakagalit lang talaga!
Feeling ko parang ang sarap magpakaHANGMAN ng mga sandaling iyon. Hay!









